Naranasan mo na bang sumulat o gumuhit?
Yung tipong, namumulaklak sa inspirasyon yang utak mo.
Yung tipong, bumubuo ng storya yang utak mo na ikaw lang ang makakapaglathala.
Yung tipong, iisang tao lang laman ng isip mo nung sinusulat mo yung sulatin.
Yung, tipong sobrang saya mo pag natapos mo at napatungan na ng tono yang lyrics.
So, ano ang point ko? Sa akin lang,
hindi lahat ng bagay masasabi mo
hindi lahat ng bagay ma iiexpress mo sa personal
hindi lahat ng bagay maipapakita mo sa ibang tao
at hindi lahat ng iniisip mo nangyayari sa totoong buhay. (BOOM!)
Pero paniwalaan mo ko, lahat ng bagay maisusulat mo. Bakit?
Kasi para sa akin, isang malaking mundo ang ginagalawan ko oras na pahawakin mo ko ng lapis at papel. Nakakagawa tayo ng isang perpektong mundong malamang ay na-aapreciate din ng ibang tao.
Naihahandog natin sa ibang tao ang kagandahan ng mundong ating "binigyang buhay" gamit lamang ang mga salita.
Naipapakilala ang ating sarili sa mga taong hindi natin kilala o makikilala man.
Korny man marinig pero, lahat ng bagay na sinulat ko dito ay tinitibok ng puso ko at sinisigaw ng utak ko. Madami akong natututunan kapag ako ay nakakabasa, nais ko naman ihandog ang mga natutunan ko sa iba sa pamamagitan ng pag-sulat tungkol sa pagsusulat (Labo!).
Pero sana lang, isang malaking sulatin na lang ang mundo, para kahit papaano, lahat ng mali na mayroon ito ay nalalaman ng tao, at kung ang mundo ay magiging sulatin ... lahat sana ng mali dito ay hindi totoo.
No comments:
Post a Comment