Note: This is not a blog of who the blogger is. Because I, for one, had not discovered myself fully, no one ever has.
Ponder on the question above and see where it gets you. I for one thought how did I end up as my 19-year old self? May ginawa ba ko para maging ako ngayon? Nag plano ba ko noong ako't sampung taong gulang pa lamang at sinabing "Gusto ko pag 19 na ko, ganito na ko."? Napakarami ko tuloy tanong sa future self ko, if I ever had the chance to meet him.
Pero teka, I'm asking myself these questions yet I haven't clearly defined who am I. Minsan naiisip ko nga kung darating nga ba ang panahong maisusulat o masasabi ko kung sino ba talaga ako. I do hope so. Naikumpara ko na nga ang buhay sa isang kurso sa kolehiyo, everyday is like a different new class session where you learn something new in the end, everything will come back to me yung parang sinasabi nilang mangyayari sa'yo bago mamatay, yung "Your life will flash before your eyes" saying. By then you'll see how you were defined. Sobrang pointless nga lang, you'll know yourself just before your death.
Life is really a terror professor, we can only live it forward but we learned by living it backwards sabi nga nila. And once you've already lived your life to point of death, you can only imagine kung gaano na karami yung natutunan mo. But life also gives us a chance, a chance to not commit the same mistake twice. Which probably is the major subject in the course of life. Committing the same mistakes over and over again means na wala kang natutunan sa major subject mo, it means that you failed to realize that painful feeling that comes with mistake.
This brings me to my next point.. Do mistakes define a person?
What is a mistake nga ba? When something you did hurt you the instant you did it, is that a mistake?
For example, ayaw mo magpatatoo yet pinipilit ka ng mga kaibigan mong magpa-ink dahil lahat sila meron. You then gave in to this peer pressure and had your arms inked.
Nasaktan ka, hindi lang dahil masakit magpa-tatoo, nasaktan ka dahil na din alam mo sa isip-isip mo na gumawa ka ng isang bagay na labag sa kagustuhan mo. Paano naman pagnasarapan ka, is that a mistake?
Let take for example, nakasiping mo ang girlfriend ng kaibigan mo. You were both drunk and maybe drugged at a party, and all of the sudden nagpahatid siya sa'yo. Then it happened! You guys had sex.
Wag mo na itagong masarap sa pakiramdam at sa pagkalalaki mo to. But if you think about how your friend would feel against you, maiisip mong nagkamali ka, nasasayo na yong kung ito ay isang masakit na pagkakamali.
Sino nga ba ang hahatol kung tama o mali ang nagawa mong bagay? Ikaw lang naman ang makakaalam kung sino. May mga bagay na hindi mali sa mga mata mo pero mali sa mata ng iba. Kahit pa ginawa mo ang pagkakamali para sa ibang tao, may magsasabi at magsasabi pa ding mali ang ginawa mo. Kung hindi galing sa ibang tao, malamang sarili mo na ang mismong magsasabi mali ang ginawa mo. Magulo di ba? But remember this, walang ibang tatanggap sa pagkakamali mo kundi ikaw mismo, hindi mo na mabubura ang isang pagkakamaling nagawa mo na. Sa pagtanggap mo sa pagkakamali mo, dito mo makikila pakonti-konti ang sarili mo. Once you accepted the fact that you did made a mistake at isama na natin ang assumption na hindi ka na gagawa ng isang kasalanan nagawa mo na... Unti-unti mo nang makita ang kinabukasan ng iyong sarili.
Quote: "Why do we fall, Bruce? So we could learn to pick ourselved up." - Thomas Wayne